State-sponsored killing hindi totoo ayon sa Malacañang
Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na hindi kagagawan ng gobyerno ang mga extra judicial deaths sa bansa.
Tugon ito ng pamahalaan sa pahayag ng Amnesty International na nakatatanggap umano ng bayad ang mga pulis ng mula P8,000 hanggang P15,000 kapag may napapatay na drug suspect.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malinaw ang naging imbestigasyon ng senado na hindi state sponsored policy ng pamahalaan ang mga kaso ng extra judicial killings.
Malinaw aniya sa kampanya ng Philippine National Police na dumaan sa tama at legal na proseso ang pagsasagawa ng operasyon laban sa illegal na droga.
Ipinagmalaki pa ni Abella na aabot na sa 1.1 milyong drug personalities ang sumuko sa otoridad dahil sa anti-illegal drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero sa ngayon ayon kay Abella pansamantalang ipinatigil ng pangulo ang mga operasyon ng PNP laban sa droga matapos masangkot ang ilang pulis sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Abella, magsasaawa muna ng cleansing process ang PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.