Mga mangingisda at fish pen operators, sumugod sa DENR para tutulan ang pagbabawal ng mga fish pen sa Laguna lake

By Ricky Brozas February 01, 2017 - 12:46 PM

Laguna lake
Kuha ni Ricky Brozas

Sumugod sa punong-tanggapan ng DENR ang mga mamalakaya at fish pen operator sa Laguna lake para ibulalas ang kanilang sentimiyento sa anila’y hindi makatwiran na pasya ni Sec. Gina Lopez na alisin na ang lahat ng mga palaisdaan sa lawa.

Tinuran ni Mang Aurelio Santiago, pangkalahatang lider ng mga mamalakaya sa Laguna lake na mistula silang “natokhang” sa utos ni Lopez na linisin ang mahigit isandaang ektaryang lawa sa lahat ng uri ng pangisngisda gamit ang fish pen.

Giit naman ni Dr. Francisco Arcadia, isa sa large scale fish pen operator na an ang pasya ng kalihim ay taliwas sa gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-regulate lamang ang pangingisda sa lawa laban sa mga iligal na nagmamay-ari ng mga fish pen at fish cages.

Aniya, kung tuluyang ipagbabawal na sila sa lawa ay animnapung porsiyento ng suplay ng isda sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ang mawawala.

Iyan ay maliban pa sa mahigit 22 libong manggagawa na mawawalan ng pangkabuhayan.

Sinabi naman ng isa sa mga tumutulong sa livelihood program ng mga mangingisda na si Pastor Jose Conui na kung mayroon mang dapat alisin sa Laguna lake iyon ay ang mga iligal na operator na halos limampung ektarya ng lawa ang sinasaklawan at hindi ang mga lehitimong mangingisda na kumukuha at nagbabayad ng kaukulang permit sa gobyerno.

Inalmahan rin ng mga raliyista ang anila’y kawalan ng kaukulang konsultasyon sa kanilang hanay ng DENR.

Sa halip ay pawang abiso sa pamamagitan ng sulat Lang umano ang kanilang natatanggap mula sa opisina ni Lopez.

Pinalagan din nila ang umano’y harassment ng mga tauhan ng DENR na gagamitan sila ng armas kapag pumalag sa nakatakdang demolition sa na ipatutupad sa mga palaisdaan sa lawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.