Duterte at Robredo, “civil” sa isa’t isa sa LEDAC meeting

By Kabie Aenlle February 01, 2017 - 04:22 AM

 

robredo duterteNaging “civil” naman sa isa’t isa sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo nang magkita sila sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting noong Lunes.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, isang “very civil meeting” ang naganap sa naturang pagkikita.

Hindi naman din aniya nagkaroon ng “awkward moments” o ilangan sa pagitan nina Robredo at Duterte sa kasagsagan ng pagpupulong.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita muli sina Duterte at Robredo matapos pagbawalan ang pangulo na dumalo sa mga Cabinet meetings.

Nag-uusap naman aniya ang dalawa, at naging “warm” naman ang pakikitungo sa isa’t isa ng mga naroon sa pagpupulong.

Nagbigay pa nga aniya ng kaniyang mga pananaw si Robredo tungkol sa kanilang mga tinatalakay, at talagang naging “matured” naman ang lahat sa LEDAC meeting.

Muli pa aniyang biniro ni Duterte ang mga tuhod ni Robredo, at tinawanan lang ito ng pangalawang pangulo kaya sa tingin niya ay nauunawaan na niya ito.

Matatandaang tinawag ni Robredo na “inappropriate” ang pagbibiro ng pangulo tungkol sa kaniyang mga tuhod habang ito ay nagtatalumpati sa Tacloban City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.