44 pulis-Angeles, sinibak na dahil sa isa pang Korean extortion case

By Kabie Aenlle February 01, 2017 - 12:28 AM

 

FB Photo | Adreal Denver Monterona
FB Photo | Adreal Denver Monterona

Inanunsyo ni Police Regional Office 3 director Chief Supt. Aaron Aquino na ni-relieve nila ang 44 miyembro ng Angeles City police station sa Pampanga, kaugnay ng umano’y “hulidap” sa tatlong Koreano.

Sinabi ito ni Aquino sa harap mismo ng ilang mga mga kinatawan ng Korean Community Association.

Nagsampa naman na ng kaso ang isa sa mga biktima na si Lee Ki Hoon laban sa pitong pulis na naakusahang iligal na nagkulong at nangikil sa kaniya at dalawang iba pang kapwa niya South Koreans.

Itinalaga naman na bilang bagong station commander ng Angeles City Police Station 5 si Chief Insp. Rolando Doroja, na nangakong ibabalik ang tiwala ng publiko sa kanilang mga pulis.

Ikinalat sa iba’t ibang police stations sa Angeles City ang nasabing mga pulis na ni-relieve.

Sinampahan ng kasong robbery and kidnapping sina PO1 Jayson Ibe, PO1 Ruben Rodriguez II, PO1 Mark Joseph Pineda, PO2 Richard King Agapito, PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo at PO3 Gomerson Evangelista.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng restrictive custody ang naturang pitong pulis na akusado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.