Nababahala na ang Government Peace Panel sa serye ng pagatake ng umanoy puwersa ng New Peoples Army sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, lubha na silang nababahala sa mga pag-atake ng grupo sa kabila ng umiiral na unilateral cease fire na ipinatutupad para sa nagpapatuloy na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng grupo.
Binigyang diin ni Dureza, ayaw nilang masayang ang lahat nang naging progreso ng dalawang panig sa paghahanap ng kapayapaan na buong sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi din ni Dureza na posibleng hindi hawak ng pamunuan ng National Democratic Front ang kanilang sariling tauhan o posible din aniyang minamaliit ng mga ito ang proseso ng paghahanap ng kapayapaan o di naman kaya aniya ay pine pressure ang gobyerno para isulong ang ilan nilang agenda.
Tiniyak din naman ni Dureza na handa si Pangulong Duterte na gawin ang lahat para sa kapayapaan at sana aniya ay ganito din ang gawin ng kabilang panig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.