Koreanong biktima ng pangongotong ng mga pulis sa Pampanga, nasa bansa para magsampa ng kaso

By Ruel Perez January 31, 2017 - 05:36 PM

Dela Rosa Crame1
FILE PHOTO

Bumalik sa bansa ang isa sa tatlong Koreanong kinotongan ng ilang pulis na nakatalaga sa Station 5 ng Angeles City Police Office sa Pampanga.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police Director Gen. Ronald Dela Rosa matapos na mismong hilingin ng Regional Director ng Region 3 na si Chief Supt. Aaron Aquino na bumalik ang banyaga sa bansa.

Ito ay para pormal na makapagsampa ng kaso laban sa mga suspek na pulis.

Kinilala ang Korean national na si Lee ki Hoon, first timer sa bansa na ang sadya lang ay maglaro ng golf pero kinotongan ng mga pulis.

Umaasa si Dela Rosa na sa pagbabalik ni Hoon ay magiging malinaw ang mga pangyayari at makapagsampa na nang kaso laban sa mga suspek.

Una nang sinibak sa puwesto ang pitong pulis na sangkot sa pangongotong habang sibak din sina Police Chief Insp. Wendel Arinas, Station 5 Commander at Police Senior Inspector Rolando Yutuc, Deputy station commander dahil sa command responsibility.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.