Dating opisyal ng Bureau of Immigration, naging emosyunal na pagdinig sa Senado

By Jan Escosio, Len Montaño January 31, 2017 - 04:13 PM

Al Argosino
Inquirer/Lyn Rillon

Naging emosyunal ang isang dating opisyal ng Bureau of Immigration sa gitna ng pagdinig ng Senado sa umano’y panunuhol ng gambling tycoon na si Jack Lam.

Umiiyak na sinabi ni dating Immigration Associate Commissioner Al Argosino na ang pangyayari ay isang “corruption of public officials.”

Iginiit ni Argosino na sana raw ay pakinggan naman ang kanilang ginagawa.

Binanggit nito ang CCTV footage kung saan makikita na hindi siya humingi ng pera kahit minsan.

Iprinisinta sa Senate hearing ang camera footage kung saan makikita si Argosino at isa pang dating Immigration Associate Commissioner na si Michael Robles na umano’y tumatanggap ng 50 million pesos mula sa kinatawan ni Lam na si Wally Sombero sa pulong sa Parañaque City noong November 27, 2016.

Pero ayon kay Argosino, hindi siya nagdemand ng pera mula kay Lam o Sombero at ni hindi raw niya hinawakan ang pera gaya ng makikita sa CCTV.

Buwelta ng dating opisyal, bakit walang nagsasampa ng kasong corruption of public official laban kay Lam.

Sana aniya ay huwag ipakita sa publiko na guilty na sila dahil ibinalik nila ang anumang pera na anila ay ebidensya laban kay Lam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.