Itutuloy pa rin ng Quezon City Police District ang kampanya kontra ilegal na droga kahit binuwag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-illegal drug task force ng Philippine National Police.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, hindi sila titigil sa pagsugpo sa illegal drugs dahil napatunayan nilang epektibo ito sa nakalipas na buwan.
Ngunit susundin aniya nila ang pagbuwag sa anti illegal drugs unit para malinis ang hanay ng mga pulis.
Mas palalakasin aniya nila ang pakikipag-ugnayan sa Quezon City Anti Illegal Drugs Campaign at Barangay Anti illegal Drugs Campaign para tuldukan ang problema sa droga.
Nauna dito, umaabot sa 150 ang mga sinibak na ni Eleazar na mga police scalawags dahil sa pagkakasangkot sa illegal activities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.