Mga tauhan ng anti-drugs units ng MPD, ililipat sa ibang departamento
Pansamantala munang ilalagay sa iba’t ibang unit ng Manila Police District ang mga miyembro ng binuwag na District Anti-Illegal Drugs.
Ayon kay S/Supt. Bartolome Bustamante, chief of directorial staff ng MPD, ito ay habang nagsasagawa pa sila ng paglilinis sa kanilang hanay.
Sinabi ni Bustamante na maaari pa namang manghuli ang mga pulis sa Maynila na may kinalaman sa droga pero yung mga in flagrante delicto na lang o mga maaktuhan at ang mga may warrant of arrest.
Nilinaw nito na ang suspended lamang ay ang mga buy bust operation, Oplan Tokhang at Project Double Barrel Alpha.
Kahapon, ipinag-utos ni PNP chief Bato Dela Rosa ang pagbuwag sa mga anti drugs units nito dahil sa katiwalian sa hanay ng pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.