Zero crime rate, naitala sa Quezon City habang ginaganap ang Miss Universe pageant

By Ricky Brozas January 31, 2017 - 07:57 AM

Photo by Isa Avendaño-Umali
Photo by Isa Avendaño-Umali

Gaya ng mga nagiging laban ni eight division world champion Sen. Manny Pacquiao, wala ring naitalang anumang krimen sa buong lungsod ng Quezon habang ginaganap ang prestihiyosong Miss Universe kahapon.

Ito ang iniulat ni Quezon City Police District Chief Supt. Guillermo Eleazar matapos ang matagumpay na Miss Universe pageant.

Ayon kay Eleazar, zero crime rate ang buong lungsod mula alas otso ng umaga hanggang alas onse ng tanghali.

Bukod tanging isang minor vehicular accident lamang ang naitala sa Station 12 kaninang umaga subalit agad naman itong naresolba.

Ikinatuwa naman ito ng hepe ng QCPD kasabay ng apela sa publiko na sana ay ganito rin ang peace and order situation kahit walang mahahalagang aktibidad sa bansa.

TAGS: Miss Universe 2016, Miss Universe 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.