Reinvestigation sa Jee Ick Joo kidnap-slay, ipinag-utos ng korte

By Mariel Cruz January 31, 2017 - 04:36 AM

 

jee ick jooIpinag-utos ng Pampanga Regional Trial Court Branch 58 ang muling pag-iimbestiga sa kidnap-slay case ng Koreanong si Jee Ick Joo.

Sa dalawang pahinang kautusan, binigyan ni Angeles City Pampanga RTC Judge Irineo Pangilinan Jr. ang mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) ng 60 araw para tapusin ang reinvestigation.

Una nang humiling ng reinvestigation ang mga akusadong sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at Ramon Yalung sa kasong kidnapping for ransom with homicide na inihain laban sa kanila.

Sa kanilang mosyon, sinabi ng tatlong akusado na tinanggalan sila ng constitutional right to due process matapos maghain ang DOJ ng kasong non-bailable sa korte nang hindi sila binibigyan ng pagkakataon na maghain ng kanilang counter-affidavit sa preliminary investigation.

Sinabi ni Sta. Isabel na nagmadali ang DOJ na maghain ng kaso laban sa kanila sa korte noong January 17.

Hindi aniya siya nabigyan ng pagkakataon na makadalo sa mga itinakdang pagdinig at magsumite ng kanyang counter-affidavit.

Dahil dito, itinakda ng korte ang reinvestigation sa April 19, 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.