Higit 7,000 Pinoy, ipadedeport mula Sabah sa susunod na buwan

By Jay Dones January 31, 2017 - 04:32 AM

 

taguiwalo-620x348Nasa 7,000 mga Pinoy na nasa Sabah na nauna nang inaresto ng mga otoridad ang nakatakda nang i-deport pabalik sa Pilipinas simula sa susunod na buwan.

Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ito ang dahilan kaya’t kanya nang pinakikilos ang mga tauhan ng DSWD sa Zamboanga Peninsula (Region IX) at Autonomous region in Muslim Mindanao upang matulungan ang mga made-deport na mga Pinoy.
Nakatanggap na siya aniya ng impormasyon na inaayos na ng Malaysian authorities ang mass deportation ng mga ‘undocumetend migrants’ na nasa Sandakan, Sabah.

Nangako naman ang DSWD na agad na bibigyan ng ayuda ang mga Pinoy sa sandaling makabalik na ang mga ito sa bansa.

Una rito, nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Najib Razak noong November na ‘unti-untiin’ ang pagpapabalik sa bansa ng mga undocumented na Pilipino na namamalagi nang walang mga kaukulang papeles sa Sabah.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.