Pamimigay ng condom sa mga mag-aaral hinarang ng DepEd

By Mariel Cruz January 30, 2017 - 04:24 PM

Ubial condom
Inquirer file photo

Naglabas na ng desisyon ang Department of Education (DepEd) ukol sa planong pamamahagi ng condoms sa mga senior high school students.

Ayon sa DepEd Sec. Leonor Briones, hindi nila papayagan ang mungkahi ng Department of Health (DOH) na mamahagi ng contraceptives sa mga estudyante ngayong 2017.

Nasabihan na aniya nila si DOH Sec. Paulyn Jean Ubial na hindi nila susuportahan ang naturang plano ng ahensya na ang layunin ay mapuksa ang paglaganap ng human immunodeficiency virus o HIV at Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS sa hanay ng mga kabataan.

Paliwanag ni Briones, ang mga estudyante na nais bigyan ng DOH ng condom ay mga menor de edad pa lamang at kinakailangan ang parental consent pagdating sa naturang isyu.

Kasabay nito, tiniyak ng DepEd sa mga magulang na wala nang mangyayaring pamamahagi ng condom kung kaya hindi na nila kailangan pa itong problemahin.

Pero sa kabila nito, ipinangako naman ng DepEd na paglilinangin pa ang sex education na sakop ng frameworks ng human rights at maging ang kaligtasan ng mga estudyante sa pamamagitan ng age-appropriate at developmental reproductive health education na sisimulan agad sa Grade 1.

TAGS: Condom, deped, doh, ubial, Condom, deped, doh, ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.