Drug war ng PNP, tigil muna matapos buwagin ang PNP-AIDG

By Ruel Perez January 30, 2017 - 11:29 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagbuwag sa Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) at iba pang mga anti-illegal task group ng PNP.

Kapalit nito ang pagbuo naman ng PNP counter-intelligence group na walang ibang gagawin kundi bantayan at tugisin ang mga tiwaling pulis na sangkot sa mga ilegal na gawain.

Ipinatitigil na rin ni Dela Rosa ang war on drugs ng PNP para makapag-focus sila sa internal cleansing ng kanilang hanay.

Bago ang anunsyo, nakatikim ng sermon ang halos dalawang libong mga pulis na na-promote sa kanilang mga ranggo kasabay ng flag-raising ceremony Lunes ng umaga.

Umuusok sa galit si Dela Rosa pagtayo pa lang sa podium matapos na pangunahan ang panunumpa ng 1,933 na mga bagong promote na pulis sa Camp Crame.

Sa kabuuan, mahigit labingisang libong mga pulis ang sabay-sabay na nagtake ng kanilang oath sa buong bansa matapos ma-promote.

 

 

TAGS: drug war, PNP, PNP abolished AIDG, drug war, PNP, PNP abolished AIDG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.