Tatlong magkakasunod na sunog, sumiklab sa Maynila at Taguig
Tatlong magkakasunod na sunog ang naganap mula pasa alas 12:00 ng madaling araw ng Lunes sa Maynila at sa Taguig.
Unang naganap ang sunog sa bahagi ng Central Bicutan, Taguig alas 12:34 ng madaling araw.
Umabot lamang ito sa 1st alarm at agad ding naideklarang fire under control makalipas ang isang oras.
Sumiklab din ang sunog sa isang residential area sa Bacood, Sta. Mesa Manila alas 12:34 ng madaling araw.
Makalipas ang 10 minuto agad iniakyat sa 4th alarm ang sunog.
Ala 1:29 ng madaling araw naman nang maideklara na itong fire out.
Samantala, sa bahagi naman ng Bataan Street sa sta. Mesa Maynila rin, nagkaroon din ng sunog na umabot sa 2nd alarm.
Pasado alas 3:00 ng madaling araw naman ng ideklara na itong under control.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa tatlong naganap na mga sunog at inaalam pa ang halaga ng mga ari-ariang natupok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.