Dela Rosa, naghain ng resignation ngunit Duterte, tinanggihan ito

By Kabie Aenlle January 30, 2017 - 04:27 AM

 

Inquirer file photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kusang lumapit sa kaniya si Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa para mag-resign dahil sa kontrobersyang kinasangkutan ng mga pulis sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.

Ngunit ayon sa pangulo, tinanggihan niya ang alok na ito ni Dela Rosa dahil wala siyang nakikitang mabuting idudulot ng pagre-resign ng hepe ng pulisya.

Ayon sa pangulo, hindi makatarungan ang nangyari kay Jee, ngunit wala siyang nakikitang dahilan para sibakin si Dela Rosa, kahit pa idahilan ang “chain of command.”

Katwiran ni Dela Rosa sa kaniyang pagre-resign, ayaw na niyang maging pabigat sa pangulo at dumagdag pa sa kahihiyan ng bansa.

Pero iginiit naman ng pangulo na manatili man si Bato o hindi sa PNP, magpapatuloy sa kanilang katiwalian ang mga pulis scalawags sa loob ng organisasyon.

Nangako naman si Dela Rosa na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya para hindi mabigo ang pangulo sa pagpuksa sa krimen, maging sa mga pulis na nasasangkot sa katiwalian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.