1 nawawala, 15 nailigtas sa tumaob na bangka sa Surigao del Norte

By Mariel Cruz January 29, 2017 - 04:09 PM

surigao del norteNailigtas ang labing limang mangingisda habang isa ang nawawala matapos tumaob ang isang barko sa General Luna, Surigao del Norte.

Naganap ang insidente kahapon, araw ng Sabado.

Ayon sa Surigao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), tumaob ang bangka sa dagat sa isang isla na sakop ng Barangay La Janusa.

Nakilala ang nawawalang mangingisda na si Cornelio Ludage, residente ng Barangay Lankandula sa bayan ng Placer.

Dahil dito, nagpadala na ang ng isang grupo na magsasagawa ng search and rescue operations sa nawawalang mangingisda.

TAGS: PDRRMO, philippine coast guard, surigao del norte, PDRRMO, philippine coast guard, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.