Mahigit 150 PCG Personnel, Navy, PNP Maritime group, magpapatrolya sa Manila bay bilang seguridad sa Miss Universe 2016

By Ricky Brozas January 29, 2017 - 02:31 PM

 

PCG Photo
PCG Photo

Mahigit isandaan at limampung tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy at PNP Maritime group ang magpapatrolya sa Manila bay partikular sa palibot ng Mall of Asia Arena sa Pasay City kasabay ng Coronation day ng Miss Universe bukas.

Kabilang sa I-dedeploy sa Manila bay ang labing walong watercrafts, aluminum at rubber boats, patrol at fast crafts.

Ayon kay PCG spokesman Commander Armand Balilo, dalawampung PCG deployable Response Groups na aabot sa isandaan at limampu’t limang personnel ang naka-standby sakaling sila’y kailanganin.

Idineklara na ring no sail zone sa bahagi ng Manila bay na malapit sa bisinidad ng Arena bilang bahagi ng seguridad

Papayagan namang pumalaot ang mga mangingisda pero sa gitnang bahagi ng Manila bay malayo sa MOA arena.

Bantay-sarado rin ang baywalk hanggang Parañaque Area.

 

 

TAGS: 2016 Miss Universe, PCG, 2016 Miss Universe, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.