Palasyo, nirerespeto ang bagong polisiya ng Trump administration ukol sa US immigrants

By Mariel Cruz January 29, 2017 - 02:28 PM

malacanang-fb-07234Nirerespeto ng Malacanañang ang kampanya ng administrasyon ni US President Donald Trump laban sa mga immigrant at mga bagong polisiya ukol dito.

Ayon kay Communications Assistant Sec. Ana Maria Banaag, wala silang ibang magiging komento ukol sa bagong polisya ng US kundi ang respetuhin ito.

Karapatan aniya ng US na pigilin ang sinuman na makapasok sa kanilang bansa.

Meron aniya silang sariling regulasyon ukol sa kung sino ang magiging kwalipikado na makapasok sa US at dapat sundin ito.

Sa mga Filipino travelers na pipigilan makapasok sa US, sinabi ni Banaag na bahala ang Department of Foreign Affairs na makipagnegosasyon dito.

Pero muling iginiit ni Banaag na irerespeto nila kung ano man ang magiging regulasyon ng embahada o ng US ukol dito.

Kahapon ay pinirmahan ni Trump ang isang executive order na pansamantalang pipigil sa mga non-American citizens mula sa Iraq, Syria, Iran, Sudan, Libya, Somalia at Yemen na makapasok sa US sa loob ng siyamnapung araw.

Napaulat din na sinabi ng White House na maging ang mga green card holder ay oobligahin na sumailalim sa additional screening bago payagan makabalik sa US.

TAGS: Communications Assistant Sec. Ana Maria Banaag, Malaca♫ang, UIS immigrants, US President Donald Trump, Communications Assistant Sec. Ana Maria Banaag, Malaca♫ang, UIS immigrants, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.