Bilang ng mga bahay na nabisita ng “Oplan Tokhang”, umabot na sa mahigit 7 milyon

By Isa Avendaño-Umali January 29, 2017 - 12:36 PM

Tokhang AlabangPumalo na sa mahigit pitong milyon ang mga bahay na nabisita ng mga pulis, bilang bahagi ng “Project Tokhang” ng Philippine National Police o PNP, na nagsimula noong July 1 o umpisa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pinakahuling tala kaninang alas sais ng umaga, umabot na sa kabuuang 7,000,067 na mga tahanan ang nadalaw ng mga police personnel.

Batay pa sa PNP, umakyat na sa 1,177,817 ang sumukong drug suspects, kung saan 79,338 ay mga drug pushers at 1,098,479 ay drug users.

Kabuuang 2,548 na drug suspects naman ang napatay samantalang 52,877 ang naaresto mula sa 43,432 police anti-illegal drug operations.

35 police personnel naman ang napaslang habang 86 ang sugatan sa kasagsagan ng mga anti-illegal drug operations.

Sa hanay ng mga sundalo, tatlo ang sugatan samantalang walo ang sugatan.

Ang Project Tokhang o tinatawag ding Oplan Tokhang ay kampanya ng PNP kung saan magbabahay-bahay ang mga pulis, partikular kung saan nakatira ang mga hinihinalang mga sangkot sa ilegal na droga.

TAGS: Oplan Tokhang, PNP, Oplan Tokhang, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.