May nakaambang pagtaas sa presyo ng liquified petroleum gas o LPG sa pagpasok ng buwan ng Pebrero.
Ayon sa oil industry, tinatayang nasa P4.50 hanggang P5.00 ang price hike sa kada kilo ng LPG.
Dahil dito, papalo sa P49.50 hanggang P50.00 ang dagdag sa presyo ng kada 11 kilogram ng LPG.
Epektibo ito sa February 01, 2017.
Maliban naman sa LPG price increase, mayroon ding paggalaw sa presyo ng diesel.
Aabot sa 15 hanggang 20 centavos kada litro ang pagtaas sa halaga ng diesel, habang wala namang price adjustment sa gasolina at kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.