Mga pasaherong galing sa mga Muslim countries, pinigilan sa mga paliparan sa US
Agad na ipinatupad ng mga otoridad sa US ang utos ni US President Donald Trump kung saan ang pagpigil sa mga pasaherong galing sa mga Muslim countries sa mga palipararan sa bansa.
Ayon sa New York Times, nagsimula pa noong Biyernes ang pagpigil sa mga pasahero kung saan ilan ay naka-board na sa kanilang mga flight kasabay ng pag-anunsyo ni Trump sa kanyang executive order na pagsasara ng border ng US sa mga refugees.
Sa naturang kautusan ni Trump, nakasaad ang pagsusupinde sa pagpasok ng mga refugees sa US sa loob ng 120 na araw at ang indefinitely na pagpapatigil sa pagpasok ng mga refugees mula Syria.
Kasama rin dito ang pagba-ban sa pagpasok sa US ng mga mula sa pitong predominantly Muslim countries na Iraq, Syria, Iran, Sudan, Libya, Somalia at Yemen sa loob ng 90 na araw.
Matatandaan isa ito sa mga kontrobersyal na campaign promises ni Trump kung saan kayang ipinangako ang paghihigpit sa pagpasok sa US ng mga nagmula sa mga Muslim countries na kung saan kanyang sinasabing nagdadala ng banta sa kanilang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.