VACC naghahanda ng impeachment complaint laban sa Ombudsman

By Den Macaranas January 28, 2017 - 06:16 PM

conchita-carpio-moralesIpinagmalaki ng Volunteers Against Crime and Corruption na mayroon na aabot na sa 20 mga kongresista ang nagsabi na susuportahan nila ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sinabi ni VACC lawyer Atty. Ferdie Topacio na pinaplantsa na ni dating Negros Oriental Cong. Jacinto Paras ang kanilang comprehensive impeachment complaint na isasampa sa Kamara sa mga susunod na araw.

Malinaw ayon kay Topacio na may criminal negligence, culpable violations of the constitution at betrayal of public trust na siyang mga importanteng sangkap para sa impeachment complaint kaugnay sa pagpapabaya ni Morales sa kaso ng Mamasapano massacre.

Gusto ng VACC na managot sa batas ang mga may kasalanan sa pagkamatay ng 66 katao kabilang na ang tinaguriang SAF 44.

Halata umanong may pinagtatakpan ang Ombudsman sa mabagal nitong pagtugon sa pagsasampa ng mga kaso laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at sa dating Special Action Force Director na si Getulio Napeñas.

Sa ilalim ng ating batas ay kailangan lamang ng on-third mula sa kabuuang 293 na bilang ng mga kongresista para umusad ang isang impeachment complaints.

TAGS: impeachment, ombudmsn, vacc, impeachment, ombudmsn, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.