Pagbatikos ng mga South Koreans kay Pangulong Duterte, nauunawaan ng Malacañang

By Chona Yu January 28, 2017 - 04:48 AM

duterte21Naiintindihan ng Malakañang ang sentimyento ng mga Korean nationals laban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pagdukot at pagpatay sa isa nilang kababayan na si Jee Ick Joo.

Tugon ito ng Palasyo sa batikos ng mga koreano sa pangulo na nagsasabing “diplomatic disrespect” umano ang ginawa ng pangulo nang dumalo pa ito sa birthday party ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa halip na kastiguhin ito dahil sa pagkakasangkot ng mga pulis sa pagpatay kay Jee.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naiintindihan nila ang pinanggagalingan ng mga South Koreans at talagang nasaktan sila sa nangyayari.

Ayon kay Abella, ang mahalaga rito ay humingi na ng paumanhin ang Pangulong Duterte.

“Well, we understand where the South Koreans are coming from. They feel deeply about it. And the President has also expressed his deepest and profoundest apologies,” ani Abella

Dapat din daw unawain na ang komento ay galing sa pulitikong nangangampanya sa South Korea kaya malamang may kaakibat itong interes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.