Edgar Matobato, kinasuhan kaugnay ng pagdukot sa umano’y teroristang si Muck Doom
Sinampahan ng kasong kidnapping sa Panabo City Davao Del Norte ang self-confessed member ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.
Ang kaso ay isinampa noong January 19 sa Panabo City Regional Trial Court (RTC), o halos isang buwan matapos makitaan ng probable cause ni City Prosecutor Joseph Apao ang reklamong kidnapping laban kina Matobato at kapwa akusadong si Sonny Custodio.
Si Matobato at Custodio ang inaakusahang dumukot at pumatay sa umano’y teroristang si Salih Muck Doom noong November 9, 2000.
Naganap ang krimen sa Island Garden City of Samal.
Nagsilbi namang complainant sa sa kaso ang live-in partner ni Muck Doom na si Mirasol Marquez.
Sa kasong isinulong ng piskalya walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.
Ang pangalan ni Muck Doom ay nabanggit sa pagdinig ng senado kaugnay sa mga insidente ng pagpatay na nagaganap sa bansa.
Inamin ni Matobato ang pagdukot kay Muck Doom na aniya ay kalaunan ay pinatay din at ibinaon sa isang quarry site sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.