Mga pulis na nakilala sa CCTV footage na ipinakita ni Sen. Lacson, sinibak na sa pwesto
Sinibak na sa pwesto at isinailalim na sa restrictive custody ang buong team na nakita sa CCTV footage na ipinakita ni Senador Panfilo Lacson sa senate hearing kahapon
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, nasa PHAU o Personnel Holding Administrative Unit na ang nasabing grupo.
Tumanggi si Albayalde na banggitin kung saang lungsod ito galing maliban sa pagsasabing mga miyembro ng isang Special Operations Task Group (STOG) ang mga pulis.
Ani Albayalde, hindi umano bababa sa sampu ang bilang ng mga pulis na ang pinakamataas na ranggo ay police chief inspector.
Sa CCTV footage na galing kay Lacson, nangyari ang insidente noong October 26, 2016 kitang kita ang pagpasok ng grupo ng mga kalalakihan na pinaniniwalaang mga pulis.
Isa rito ay may dalang backpack na naglalagay ng pinaniniwalaang shabu sa drawer ng mga empleyado ng hindi tinukoy na establisyimento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.