Mahigit 165 milyon na spam at scam messages, hinarang ng Globe noong nagdaang taon

By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2017 - 11:37 AM

Scam messageUmabot sa 200,000 mensahe kada oras ang hinarang ng kumpanyang Globe noong nagdaang taong 2016 dahil sa pagiging spam o scam ng mga ito.

Ayon sa Globe, umabot sa 165 million na messages ang kanilang naharang at hindi ipinarating sa subscribers dahil maitituring ang mga ito na spam at scam.

Umabot din sa 1,700 na prepaid numbers ang inalisan ng koneksyon ng Globe matapos matuklasan na pinagmumulan ang mga ito ng scam na mga mensahe.

Umaasa naman ang Globe na makakamit nila ang target na spam-free network gamit ang kanilang bagong blocking mechanism.

Ayon kay Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio, blocking mechanism ng Globe na sinimulang gamitin noong Pebrero ng nakaraang taon ay kayang makasala ng 1 bilyong SMS kada araw.

Sa mga spam messages na naharang ng Globe, 75% umano dito ay mula sa mga spammers na gumagamit ng ibang networks gaya ng Smart (35%), Sun (40%) habang ang nalalabing 25% ay iba pang network./ Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS: scam message, spam message, scam message, spam message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.