Retiradong pulis na may-ari ng punerarya kung saan na-cremate si Jee Ick Joo, bumalik na sa bansa
Umuwi na sa Pilipinas ang retiradong pulis na si Gerardo Santiago, may-ari ng Gream Funeral Services kung saan na-cremate ang Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Dumating sa terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Santiago sakay ng Philippine Airlines flight PR 119 kaninang alas 6:14 ng umaga galing sa Vancouver, Canada.
Sa Pebrero pa sana uuwi ng bansa si Santiago pero napaaga ang pag-uwi niya dahil sa kontrobersiya.
Nakipag-ugnayan umano sa Department of Justice (DOJ) si Santiago para makahingi ng protective custody sa National Bureau of Investigation (NBI).
Hawak na ngayon ng NBI si Santiago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.