Duterte, hindi balak busalan ang Simbahan

By Kabie Aenlle January 27, 2017 - 04:25 AM

 

Ernesto-Abella-0705Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na hindi intensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na busalan ang bibig ng mga miyembro ng Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng kaniyang mga maaanghang na banat laban dito.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nais lamang ni Duterte na makausap nang parang kaibigan ang mga kinatawan ng Simbahan, o na para bang sila’y magkakapantay lamang.

Dinipensahan naman ni Abella ang akusasyon ni Duterte na may dalawang asawa si Bishop Emeritus Teodoro Bacani.

Aniya, sinabi lang ito ng pangulo para ilabas ang ilang aspeto ng dayalogo sa pagitan niya at ng mga taga-Simbahan.

Nais lang aniya ng pangulo na himukin ang mga ito na huwag siyang kausapin “from a moral high horse,” o na parang mas nakatataas sila kay Duterte.

Hinimok naman ni Abella ang mga kinatawan ng Simbahan na makipag-usap sa kanila kaugnay sa mga isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.