Ulo ng mga pulis na dawit sa Jee Ick Joo murder ipapadala ni Pres. Duterte sa South Korea
‘Magdurusa kayo’.
Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na sa responsable sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Sa talumpati ng pangulo sa Sarangani province Huwebes ng hapon, ngayong hapon, sinabi ng Chief Executive na hindi niya palulusutin ang mga pulis at maaring ipadala ang kanilang mga ulo sa South Korea.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang pangulo sa gobyerno ng South Korea.
Ayon sa pangulo, alam na niya kung sino ang mga responsable sa pagpatay kay Jee at tiniyak na makukulong ang mga ito.
Aminado ang pangulo na dahil sa walang parusang bitay sa pilipinas, pagkakabilanggo lamang ang maaring kaharapin ng mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.