Fil-Chinese community, nawalan ng tiwala sa PNP dahil sa Jee Ick Joo case-Lacson
Direktang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson kay PNP Chief Ronald Dela Rosa at sa iba pang mga pulis na dumalo sa pagdinig sa senado na nawala ang tiwala ng Filipino-Chinese community sa Pambansang Pulisya dahil sa kaso ng Koreanong si Jee Ick Joo.
Ito aniya ang dahilan kayat ayaw maghain ng pormal na reklamo ng mga Fil-Chinese na biktima ng kidnapping.
Kayat ibinilin ni Lacson kay Dela Rosa na seryosong linisin nito ang PNP ng mga bugok na pulis.
Samantala, sinabi naman ni Ka Kuen Chua ng Movement for the Restoration of Peace and Order, na mariin nilang kinokondena ang nangyayaring ‘Tokhang for Ransom.’
Sa nasabi rin pagdinig ay kinuwestiyon ni Chua kung dapat pang pagkatiwalaan ang mga pulis.
Hinihiling niya na agad maresolba ang kaso ni Jee at umaasa din sila ng mga hakbang ng kongreso ukol sa mga ganitong insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.