44 katao sugatan sa bus na tumagilid sa EDSA-Estrella, Makati
44 na pasahero ng isang airconditioned na pampublikong bus ang nasugatan makaraang mawalan ito ng kontrol at tumagilid sa kahabaan ng southbound lane ng EDSA-Estrella, Makati City dakong alas 9:00 ng gabi.
Sangkot sa aksidente ang RRCG transport bus na may plakang ACM-2700 na puno ng pasahero.
Sa inisyal na impormasyon mula sa MMDA, tatlo sa 44 na nasugatang pasahero ang seryoso ang kondisyon at kinailangang agad na dalhin sa pagamutan bunga ng aksidente.
Agad namang nakaresponde ang mga MMDA at Red Cross rescue teams na nagbigay ng tulong medikal sa mga biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng MMDA sa sanhi ng aksidente.
Nagdulot naman ng matinding trapik sa lugar ng EDSA-southbound lane ang aksidente ng bus na halos isang oras ring humambalang sa tatlong lane ng EDSA-Southbound bago naitabi at tuluyang nahila ng tow truck.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.