Petiton for the Writ of Amparo kontra Oplan Tokhang ng PNP inihain sa SC

By Den Macaranas January 26, 2017 - 07:18 PM

OPLAN TOKHANG / OCTOBER 06, 2016 Alleged drug suspects line up during Operation Tokhang on a impoverished community in San Miguel, Binondo, Manila.Three were reported killed on the operation. INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES
INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

Dumulog sa Supreme Court ang isang grupo ng mga abogado kung saan ay naghain sila ng petition for writ of Amparo laban sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Hiniling ng Center for International Law (CenterLaw) sa Mataas na Hukuman na kaagad na maglabas ng utos para itigil ng PNP ang Oplan Tokhang.

Sinabi ni Atty. Rommel Bagares na kinakatawan ng kanilang grupo ang mga kaanak ng apat na kalalakihang pinatay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Station.

Ayon ng CenterLaw, noong Ausgust 21, 2016 ng habi ay naglalaro ng pool sa Group 9, Area B sa Brgy. Payatas ang magkakaibigan na sina Marcelo Daa Jr., Raffy Gabo, Anthony Comendo, Jesse Cule at Efren Morillo.

Dumating umano sa lugar ang ilang mga naka-sibilyan na kalalakihan na nagpakilalang mga pulis.

Kalaunan ay nakilala ang nasabing mga armadong kalalakihan na sina Insp. Emil Garcia, PO3 Allan Formilleza, PO1 James Aggarao at PO1 Melchor Navisaga na pawang mga nakadestino sa QCPD Batasan Station.

Kaagad umanong dinala sa likod ng bahay ang mga biktima kung saan sila ay itinali bago pinagbabaril.

Patay ang lahat ng mga biktima maliban na lamang kay Morilla na nagpatay-patayan kaya iniwan siya ng mga suspek.

Sinabi ng CenterLaw na localize ang kanilang petisyon pero pwede nila itong baguhin sakaling may ibang grupo pa ng mga abogado ang tumulong sa kanina.

Naniniwala rin ang grupo na sinasamantala ng ilang tauhan ng PNP ang Oplan Tokhang para paghigantihan ang ilan sa kanilang mga balak bweltahan.

TAGS: center law, PNP, QCPD, tokhang, center law, PNP, QCPD, tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.