Malapit na ang Aug. 20 deadline pero mga Uber at Grab Car operators hindi pa rin nagpaparehistro sa LTFRB

August 13, 2015 - 09:53 AM

UBERWala pa ring nagpaparehistrong operator ng Uber at Grab Car sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kahit hanggang sa August 20 lang ang ibinigay na deadline sa kanila ng ahensya.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, simula sa August 21, 2015, Biyernes ay manghuhuli na sila ng mga pribadong sasakyan na bumibiyahe sa ilalim ng Uber at Grab Car at hindi rehistrado.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ginez na kasama naman nila ang mga kinatawan ng Uber at Grab Car ng balangkasin ang mga guidelines kabilang na ang pagpaparehistro ng mga sasakyan sa halagang P520.

Dahil dito, hindi aniya maaring ikatwiran ng mga private motorists na kasapi ng Uber at Grab Car na sila ay hindi nakonsulta ng LTFRB. “Sa ngayon wala pang nagpaparehistro kahit isa na Uber at GrabCar. Simula po sa August 21, manghuhuli na po kami ng mga hindi rehistrado,” paliwanag ni Ginez.

Sinabi din ni Ginez na simula sa August 21, lahat ng mahuhuling sasakyan ng Uber at Grab Car na hindi rehistrado sa LTFRB ay papatawan ng P200,000 na multa at tatlong buwan na impoundment.

May mga tauhan aniya ang LTFRB na magpapanggap na pasahero at kukuha ng sasakyan sa Uber at Grab Car para mai-check kung ito ay rehistrado o hindi./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: uber and grab car registration, uber and grab car registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.