Mga fish pen sa Laguna de Bay, sinimulan nang gibain ng DENR
Inumpisahan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagwasak sa mga fish pen sa Laguna de Bay.
Ito ay bilang pagtugon ng ahensya sa “zero fish pen policy” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Laguna lake.
Katuwang ng DENR sa isinagawang pagwasak sa mga fish pen ang mga tauhan mula sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Army.
Ayon kay DENR Sec. Gina Lopez, nabigyan ng sapat na panahon ang mga operator ng fish pen sa Laguna de Bay para kusang alisin ang kanilang mga pag-aaring fish pen noon pang nakaraang taon.
Ngayong buwan aniya ng Enero, lahat ng permit to operate sa nasabing lawa ay kanselado na.
Pinamunuan ni DENR National Anti-Environmental Crime Task Force (NAECTF) chief Arturo Valdez ang isinagawang sabayang pagwasak sa mga fish pen sa iba’t ibang bahagi ng Laguna lake.
Kabilang dito ang mga fish pen sa Binangonan, Rizal; Taguig, Parañaque at Muntinlupa.
Layon ng paglilinis sa Laguna lake na gawin itong economic zone. Ito kasi ang maitituring na pinakamalaking lawa sa bansa na mayroong surface area na 900 metro kwadrado o 90,000 na ektarya.
Target ng DENR na matapos ang pagwasak sa lahat ng illegal structures sa Laguna de Bay bago ang susunod na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa Hulyo.
WATCH: Dismantling of illegal fishpens in Laguna De Bay | INQUIRER/Lyn Rillon pic.twitter.com/uWl2UNdDaI
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 26, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.