Ex-Pres. Noynoy, sasagutin ang mga pahayag ni Pangulong Duterte sa Mamasapano incident

By Jay Dones January 26, 2017 - 04:36 AM

 

Inquirer Photo | Lyn Rillon
Inquirer Photo | Lyn Rillon

Nakatakdang maglabas ng kanyang panig si dating Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw sa usapin ng muling pagbuhay ng isyu ng Mamasapano incident.

Kasabay ng paggunita ng kaarawan ng kanyang ina nsi dating Pangulong Cory Aquino, sinabi nito na nagsagawa siya ng ‘double-checking’ sa mga facts na napapaloob sa madugong insidente na ikinasawi ng 44 na SAF commandos.

Paliwanag ni Aquino, maraming mga partikular na punto na inihayag si pangulong Duterte nang muli nitong ungkatin ang pagkamatay ng 44 na SAF troopers.

Kaya’t upang maging malinaw ang lahat, minabuti nilang tugunan ang mga puntong ito ngayong araw.

Matatandaang sinisisi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aquino sa naging kinahinatnan ng Mamasapano operation.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na mistulang inihagis sa loob ng ‘lion’s den’ ang mga SAF commandos ng nakaraang administrasyon.

Kahapon, magkakasamang nagtungo sa puntod ng kanilang inang si Cory ang magkakapatid na sina Noynoy, Ballsy Cruz, Pinky Abelleda at Viel Dee.

Kabilang rin sa naki-gunita sa kaarawan ng dating pangulo si Vice Preisdent Leni Robredo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.