LTFRB nagbabala vs tigil-pasada ng mga PUV drivers

By Alvin Barcelona January 25, 2017 - 11:43 PM

 

Inquirer file photo

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator ng mga Public Utility Vehicle (PUV) laban sa pagdaraos ng tigil-pasada.

Ginawa ito ng LTFRB sa harap ng bantang malawakang tigil-pasada ng mga transport group sa Pebrero 6 laban sa planong phase-out ng mga lumang jeepney.

Ipinaalala ng LTFRB, na sa ilalim ng kanilang memoradum circular no. 2011-004 o ‘No strike policy for PUV operators,’ bawal ang tigil-pasada bilang protesta sa anumang desisyon o aksyon ng pamahalaan.

Sa ilalim ng polisiya, posibleng masuspinde o makansela ang inisyu nitong authority to operate sa mga PUV operator.

Ipinagbabawal din sa nasabing circular ang pagbibigay nito ng pahintulot sa kanilang mga tsuper na gumawa ng mga hakbangin na makakaperwisyo sa mga pasahero tulad ng pagparalisa sa transportasyon, pananakot at paggamit ng dahas.

Ang mga PUV operator na mabibigo na sumunod sa nabanggit na direktiba ay maaaring maharap sa kaparusahan mula sa LTFRB.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.