Mga opisyal na nagpabaya sa kaso ni Jakatia Pawa, pinasisibak ng Migrante

By Alvin Barcelona January 25, 2017 - 11:42 PM

 

Mula sa Migrante International

Kasalanan ng pamahalaan ang pagbitay sa kuwait sa overseas Filipino worker na si Jakatia Pawa.

Ayon kay Mic Catuira, Acting Secretary General ng Migrante International, guilty ang nakaraang administrasyon ng criminal neglect at ang kasalukuyang rehimen ay dapat na managot dahil sa huli nitong pag-aksyon sa pagbitay kay Pawa.

Sinabi ni Catuira na ang pagbitay kay Pawa ay resulta ng polisiya ng pamahalaan na hindi pagbibigay ng agarang legal assistance sa mga OFW.

Nanindigan ang Migrante na walang kasalanan si Pawa at biktima lamang ito ng kaawa-awang kondisyon na nagtulak sa kanya na magtrabaho sa ibang bansa.

Naniniwala din ang grupo na hindi sana napadpad sa death row si Pawa kung inasikaso kaagad ng pamahalaan ang kaso nito.

Nanawagan din ang Migrante kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang kaso at sibakin sa puwesto ang mga nagpabayang opisyal ng gobyerno.

Hinamon din ni Catuira ang pangulo na rebisahin agad ang Republic Act 8042 at ang amyenda dito na RA 10022 dahil sa kabiguan nito na garantiyahan ang kapakanan ng mga OFW.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.