Publiko inalerto laban sa mga pekeng PDEA agents
Pinag-iingat ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) ang publiko laban sa mga nagpapanggap na ahente ng ahensya.
Ang babala ay ginawa ni PDEA Chief Isidro Lapeña sa harap ng natatanggap nilang ulat tungkol sa mga nagpapakilalang PDEA agents sa ilang komunidad at nag-aalok sa mga persons of interest na maalis sa watchlist ng mga drug personalites kapalit ng pera.
Ilang bogus agents din aniya ang nanghihingi ng protection money mula sa mga drug pushers.
Iginiit ni Lapeña na maaalis lamang ang pangalan ng mga drug pusher mula sa kanilang watchlist kung makukulong ang mga ito.
Kaugnay nito, hinikayat ng PDEA ang publiko na isumbong ang mga katulad na insidente sa pamamagitan ng pag-text sa PDEA 24/7 Hotlines: 09998887332, 09255737332 at 09279150616 o sa pagtawag sa PDEA Hotlines: (02) 920-0735 and (02) 920-0736.
Kahapon ay nabisto rin ang paniningil ng ilang mga pekeng PDEA agents ng recruitment fee sa ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.