Mga Pinoy, pinakamatagal magbabad sa social media sa buong mundo
Nangunguna ngayon ang Pilipinas sa may pinakamahabang oras na ginugugol sa social media araw-araw.
Ito ay base sa report na inilabas ng social media management platofrm na Hootsuite at ng United Kingdom-based consultancy na We Are Social Ltd.
Lumalabas sa naturang report na tinawag na “Digital in 2017,” gumugugol ang mga Pilipino ng average na 4 hours and 17 minutes kada araw sa mga social media sites tulad ng Facebook, Twitter at Snapchat.
Ang mga datos na ito ay base sa active monthly user data mula sa mga social media companies nitong January 2017 lamang.
Kasunod ng Pilipinas sa listahan ang Brazil sa 3 hours and 43 minutes, at Argentina sa 3 hours and 32 minutes.
Samantala, ang United States naman kung saan nakalagak ang karamihan sa mga social media players, kabilang sa mga nasa bottom half at may average lamang na 2 hours and 6 seconds na pamamalagi sa social media sites.
Nasa pinakahuli naman sa listahan ng paggamit ng social media ang mga Japanese na may average lamang na 40 minutes na ginugugol dito araw-araw.
Ang posisyon ng Pilipinas sa listahang ito ay taliwas naman sa internet speed dito sa bansa. Kabilang kasi sa pinakamabagal sa Asia Pacific ang fixed broadband speed, pero kasama naman sa pinakamabilis ang mobile connections.
Sa ngayon, mayroong 58 percent na social media penetration rate, na mas mataas pa sa average na 47 percent sa Southeast Asia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.