Lacson, kinwestyon ang ‘share’ ng mga mambabatas sa kita sa STL

By Jan Escosio January 25, 2017 - 04:21 AM

 

ping-lacsonKinukuwestiyon ni Sen. Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng ‘share’ ng mga kongresista sa kita ng Small Town Lottery o STL ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Sa pagdinig ng Senate committee on games and amusement ukol sa panukalang amyendahan ang PCSO charter, iginiit ni Lacson na wala naman kasing ‘institutionalized treasurer’ ang mga mambabatas hindi katulad ng LGU.

Paglilinaw naman ng senador wala naman problema ito kung mababago lang ang PCSO charter.

Nais din ni Lacson na paigtingin ng PNP ang kanilang anti-illegal gambling operations dahil sa naloloko ng husto ang gobyerno.

Dagdag pa nito, may mga lehitimong STL operators din na hindi buo ang ibinibigay na share sa gobyerno.

Paliwanag nito, dalawa ang pataya ng mga kubrador ng STL, isa ay sa legal at isa para sa ilegal kayat giit niya kailangan nang baguhin ang PCSO charter.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.