PNP-AKG igigiit ang kustodiya kay SPO3 Sta. Isabel; pero Sta. Isabel hiniling sa DOJ na maialis siya sa Camp Crame

By Len Montaño, Ruel Perez January 24, 2017 - 02:52 PM

WAGAS
Photo by Jomar Piquero

Iginiit sa korte ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na mapasailalim sa kanilang kustodiya sa Camp Crame sina SPO3 Ricky Sta Isabel at SPO4 Roy Villegas.

Ayon kay PNP-AKG legal officer Supt. Dennis Wagas, isusumite nila ang request for custody ngayong araw kasabay ng return of warrant sa Angeles City Regional Trial Court Branch 58 sa Pampanga.

Paliwanag ni Atty. Wagas, nais nilang matiyak ang seguridad ng mga suspek para na rin sa patuloy na imbestigasyon sa pagdukot at pagpaslang sa Koreano si Jee Ick Joo.

Giit pa ni Wagas, hindi na rin kailangan pang dalhin nang personal sina Sta. Isabel at Villegas sa Angeles City court dahil dokumento lamang ang kailangang dalhin sa husgado.

Samantala, naghain naman ng mosyon sa Department of Justice (DOJ) ang abogado ni Sta. Isabel para ihirit na mailipat siya ng kulungan.

Ayon kay Atty. Alejandro Pallugna, inihain nila ang motion for transfer of detention.

Nalaman umano kasi ng kampo ni Sta. Isabel na mula sa Camp Crame ay ililipat ito Angeles City, Pampanga, kung saan nakahain ang kaso nito.

Sinabi ng abogado na delikado ang buhay ni Sta. Isabel dahil ilan sa mga akusado rin sa krimen ay mga kapwa pulis nito ay ang iba ay nasa Pampanga.

Hindi naman binanggit ng abogado kung saan nila hiniling na makulong si Sta. Isabel na una nang sumuko sa National Bureau of Investigation.

Samantala, nagtataka naman ang kampo ni Sta. Isabel na agad naglabas ang korte ng arrest warrant gayung ipinagpaliban pa ang preliminary investigation sa kaso sa February 13, 2017 dahil nag-inhibit ang unang piskal at hindi pa nakapagsumite ng counter affidavit ang kanyang kliyente.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.