Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2017 - 10:55 AM

Yellow Rainfall WarningDahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng tail-end of cold front, itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Mindanao.

Ayon sa abiso ng PAGASA, umiiral ang yellow warning level sa mga lalawigang ng Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur.

Sinabi ng PAGASA na ang mga lalawigan na nasa ilalim ng yellow rainfall warning ay maaring makaranas ng pagbaha lalo na sa mabababang lugar at landslides naman sa mga bulubunduking lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Zamboanga del Norte, Camiguin, Davao City, Davao del Sur, General Santos City, South Cotabato, Agusan del Norte, Dinagat Islands at Lanao del Sur.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang ala 1:00 ng hapon.

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, Pagasa, tail-end of cold front, Weather in Philippines, yellow rainfall warning, heavy rainfall warning, Pagasa, tail-end of cold front, Weather in Philippines, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.