PNP Chief, iiwas muna sa mga public engagements

By Ruel Perez January 24, 2017 - 03:39 AM

 

Inquirer file photo

Nakahandang tumalima si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa payo ni Senador Panfilo Lacson na mas mag-focus sa kanyang trabaho at bawasan ang mga public engagements.

Ito ang sinabi ni Dela Rosa matapos na umani ng pagpuna sa social media ang kanyang pagdalo sa isang concert at panonood ng isang pelikula habang mainit ang usapin tungkol sa pinatay na Koreano.

Paliwanag ni Bato, nakikita niya ang punto ni Sen. Lacson, at dahil iniidolo niya ang dati niyang hepe sa PNP, ay pakikinggan niya ang payo ng senador.

Una nang iginiit ni Bato na hindi naman na maibabalik ang buhay ng Koreano na umanoy pinatay ng mga tiwaling pulis, kung maglupasay at magkulong lang siya sa kanyang tanggapan.

Noong Huwebes, humingi pa ng paumanhin si Bato sa bansang Korea sa sinapit ng kanilang kababayan, at sinabing natutunaw siya sa kahihiyan.

Samantala, tiniyak naman ni Bato na gagawin niya ang lahat para masolusyonan ang krimen at mapanagot ang mga may sala.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP ang pangunahing suspek na si SPO3 Ricky Sta. Isabel matapos naman itong masampahan ng kasong kidnapping with homicide sa Angeles, Pampanga RTC Branch 58.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.