Pinuno ng PNP-AKG, itinanggi ang mga paratang ng misis ni SPO3 Ricky Sta. Isabel
Itinanggi ni PNP-AKG Director Senior Supt. Glenn Dumlao ang pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa kaso ng pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Dumlao, tumawag sa kanya si Jinky Sta. Isabel dahil nais umano ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na makipagtulungan kaya pumayag siya na makipag-usap sa misis nito.
Giit ni Dumlao, naglatag siya ng mga kondisyon sa misis na siyang mahalaga para sa kaso.
Pero hiniling umano sa kanya ni Jinky na linisin ang pangalan ni Ricky sa media na siyang ikinagalit ng opisyal.
Nauna nang inakusahan ni Jinky Sta. Isabel si Sr. Supt. Dumlao na umano’y kinausap sila para aregluhin ang kaso sa pamamagitan ng planong pagpatay sa tatlong pulis sa Pampanga para maisalba sa kaso si Sta. Isabel.
Maliban dito, nilinaw din ni Dumlao na hindi sila blood-related ni Sen. Supt. Rafael Dumlao na team leader ni Sta. Isabel sa AIDG at isinasangkot din sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.