Mga senador, dismayado sa 2 dating associate commissioners ng BI; naging sunud-sunuran daw kay Wally Sombero
Dismayado ang mga senador sa testimonya ng dalawang dating associate commissioners ng Bureau of Immigration (BI) na inaakusahang tumanggap ng suhol mula sa gaming tycoon na si Jack Lam.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, nakadidismayang isipin na ang dalawang commissioner ng bansa ay naging sunud-sunuran sa dating pulis na si Wally Sombero.
Sa kaniyang testimonya sa senado, sinabi ni Al Argosino, dating BI associate commissioner na November 26m 2017 nang makipagkita siya at isa pang dating associate commissioner na si Michael Robles kay Sombero sa City of Dreams.
Bago mag alas 11:00 ng gabi nang dumating si Sombero sa hotel, pero agad ding umalis at iniwanan sa dalawang commissioner ang dalawang bag.
Ani Sombero, nagtataka sila kung bakit paalis-alis si Sombero at iniiwan ang bag tuwing aalis.
Inabot aniya ng alas 5:00 ng madaling sina Argosino at Robles sa hotel at sa mga oras na iyon, nakailang alis pa si Sombero at iniiwan pa din ang bag.
Nagtataka ang mga senador kung bakit nagawa ni Sombero na mapaghintay sina Argosino at Robles sa hotel ng ganoon katagal, at kung bakit hindi man lang sila nagtaka kung bakit laging iniiwanan sa kanila ang bag tuwing ito ay aalis.
Kinumpirma ni Robles na noong araw na iyon, iniuwi niya ang bag na may lamang P20 milyon, si Argosino ay sinabing iniuwi niya ang P28 milyon at ang P2 milyon ay napunta umano kay Sombero.
Kapwa naman sinabi ng dalawa na ang pag-uwi nila sa bahagi ng imbestigasyon nila kaugnay sa mga ilegal n aoperasyon ni Lam.
Bagay na pinagdudahan ng mga senador dahil inabot pa umano ng December 13 bago isauli ng dalawa ang pera, o tatlong araw matapos mabunyag ang pakikipagkita nila kay Sombero sa hotel batay sa kuha ng CCTV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.