Kapistahan ng Sta Ana, Maynila sinalubong ng sunog

By Ricky Brozas January 22, 2017 - 02:25 PM

cebu-city-fire-photo-cdn-junjie-mendoza
FILE PHOTO

Nasunog ang barracks o tulugan ng mga trabahador ng isang rentahan ng mga traktora sa Sagrada Pamilya St., Sta Ana Maynila.

Nagsimula ang sunog kaninang alas sais singko ng umaga na iniakyat sa 1st alarm at naging kontrolado bandang 6:26 ng umaga.

Dahil dito, naglabasan ang mga residenteng nakatira malapit sa sunog.

Naapektuhan din at nagsilikas ang mga kinakalinga ng Missionaries of the Poor na katabing katabi ng nasunog na barracks.

Pawang mga naka-wheelchair nang inilabas sa bahay ampunan dahil mga nakatatanda at mga batang may Cerebral Palsy ang mga nakatira dito.

Hindi naman nadamay sa sunog ang naturang bahay ampunan.

Nag iimbestiga pa ang arson investigator sa kung ano ang sanhi ng apoy. /

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.