Miss Universe candidates, may courtesy call kay Duterte
Nakatakdang mag-courtesy call ang mga kandidata ng Miss Universe kay Pangulong Rodrigo Duterte bukas.
Kinumpirma ni Department of Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre ang courtesy call ng mga ito sa pangulo bandang alas dos ng hapon bukas, araw ng Lunes.
Ayon kay Alegre, ito ay pinaghandaan at sila ay nagpapasalamat sa staff ni Duterte sa paghahanda ng lunch para sa mga kandidata.
Dagdag pa ni Alegre na simula pa lang ng pagdating mga kandidata sa bansa ay nagpakita na ang mga ito na kagustuhang makita ang pangulo.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Alegre na inaayos na mapayagan ang mag kandidata na magkaroon ng picture kasama si Pangulong Duterte.
Gaganapin sa Mall of Asia Arena ang coronation ng magiging successor ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa January 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.