CBCP official, bukas sa pagkakaroon ng dayalogo kay Duterte

By Rod Lagusad January 22, 2017 - 05:35 AM

cbcp-selective-justiceBukas ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagkakaroon ng dayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga naging pahayag nito na Simbahang Katolika.

Ang usapin sa pagkakaroon ng dayalogo ng Simbahan Katolika kay Duterte ay bagay na pinagdedesisyunan ng mayorya ng mga Obispo sa bansa hindi lang ng iisa.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng CBCP, na magandang hakbang ang pagkakaroon ng dayalogo para mapag-usapan ang ilang mag solusyon sa problema ng ilegal na droga.

Dagdag pa ni Secillano, magiging maganda sa dalawang panig ang magkaroon ng pag-uusap para magkaroon ng sama-samang aksyon sa kung papaano tutugunan legally, ethically at morally ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

Ang naging komento ng naturang opisyal ng CBCP ay kasunod ng naging pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na bukas ang Malakanyang sa pagkakaroon ng dayalogo.

Kaugnay nito ang naging mag pahayag ni Duterte laban sa Simbahang Katolika sa kritisismo nito sa isyu ng extra-judicial killings sa gitna ng kampanya laban sa ilegal na droga ng pamahalaan.

TAGS: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, CBCP, Rodrigo Duterte, Simbahang Katolika, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, CBCP, Rodrigo Duterte, Simbahang Katolika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.