P24,000 halaga ng pekeng pera, nasabat sa Cebu

By Rod Lagusad January 22, 2017 - 05:29 AM

cebu cityHindi baba sa P24,000 na halaga ng pekeng pera ang nasabat ng Cebu City Police sa isinagawang operasyon sa Colon Street sa downtown Cebu.

Inaresto ng puliya si Junrey Cagay, 23 taong gulang, residente ng Barangay Quiot, Cebu City matapos nitong abutan ng mga pekeng P1,000, P200 at P100 bills ang isang undercover policeman na nagpanggap na buyer.

Sasampahan ng mga forgery and illegal possession of bank and treasury notes ang suspek sa Cebu City Prosecutor’s Office.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, Deputy Mayor on police matters ay nagsasagawa na ng mas malalim na imbestigasyon para matukoy ang mga kasabawat ng suspek sa paggwa ng mga pekeng pera.

Dagdag pa ni Tumulak, base sa kanilang impormasyon, ang naturang suspek ay bahagi ng isang sindikatong nagpapakalat ng pera.

Aniya hindi nila hahayaang makapasok ang mga pekeng pera sa Cebu City dahil magiging sanhi ito ng pagkasira ng kanilang ekonomiya.

Nanawagan din si Tumulak sa publiko na mag-ingat at makipagtulungan sa pagsugpo po sa nasabing illegal na operasyon.

TAGS: cebu, Cebu City, forgery, illegal possession of bank and treasury notes, pekeng pera, cebu, Cebu City, forgery, illegal possession of bank and treasury notes, pekeng pera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.